MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO, ‘THE IRON LADY OF ASIA’

Pumanaw na si Senator Miriam Defensor-Santiago sa edad na 71. Binawian siya ng buhay 8:52 ng umaga kahapon sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig dahil sa lung cancer. “Our beacon of wisdom, intelligence and ever-present humor and good sense has flickered out,” ito ang reaksyon ni Sen. Bongbong sa pagpanaw ng batikang senador na ang bawat kumpas ng kamay at buka ng bibig ay inaabangan ng madla. Balikan ang ilan sa mahahalagang kaganapan sa makulay na buhay ng nag-iisang Miriam Defensor Santiago. •Hunyo 15, 1945 – Isinilang si Miriam Palma Defensor sa Iloilo City sa mag-asawang Benjamin Defensor, isang hukom, at Dimpna Palma, isang guro. Natamo niya ang law degree, with honors, mula sa University of the Philippines Diliman noong 1969. Siya ang unang female editor-in-chief ng The Philippine Collegian, ang student paper ng UP. •Hunyo 14, 1970—Ikinasal siya kay Atty. Narciso “Jun” Santiago, ang kanyang “shock absorber”. Biniyayaan sila ng dalawang anak ...